Saturday, November 13, 2004

waaahhhhhhh!!!

nakakainis!
ayoko pa pumasok.. kasi naman ang daming long tests.. tapos.. makikita mo pa yung mga taong ayaw mo.. tapos kinabukasan perio na.. wala ka pang alam.. tapos ang dami pang requirements..
hay.. ang hirap tlga mag-aral noh?? pero masaya rin naman.. makikita mo yung mga taong mgpapasaya sayo.. lalo na yung mga mahal mo sa buhay.. barkada mo..

wala lang.. walang magawa eh.. hehe..

happy monthsary nga pala sa kerot ngayun!!!

kaya mo ba?

panu mo mamahalin ang taong pilit inilalayo ka?
panu mo mamahalin ang taong ipinapaubaya ka sa iba?
panu mo mamahalin ang taong di ka kaya ipaglaban?

panu mo mamahalin ang taong lagi kang pinapaiyak
kahit na alam nyang nasasaktan ka na?
panu mo mamahalin ang taong lagi kang sinasasabihan
ng mga salitang di mo masikmura?
panu mo mamahalin ang taong pinagmumukha kang tanga?

maaaring nagmahal nga ko sa isang taong di karapat-dapat..
nabulag nga ko kahit marami na nagsasabi nun..
pero kung malaman mo isang araw na meron pa palang ibang paraan..
na hindi pala sya ang buhay mo?..
na pwede ka pa pala mabuhay nang wala sya?..
pinilit kong kunin yung pagkakataong yun..
buti nalang may sumalo sakin sa lahat ng pagkakamali ko..
binigyan nya ng kabuluhan ang aking buong pagkatao..
pinapasaya ang bawat araw ng aking buhay..


alam ko isa nanaman tong kadramahan..
pero eto lahat ang nangyari..
binuod ko lang..
gusto ko lang ilabas lahat ng galit ko..
sana maintindihan nyo..




Tuesday, November 09, 2004

sinong pipiliin ko??

matagal ko na to pinag-isipan..
post ko lang..
mahal ko o mahal ako..
noon sagot ko mahal ko..
pero nagbago na isip ko..
lam nyo kung bakit?
kc malaman ko man na mahal rin ako nung mahal ko "noon"..
d nya mapapantayan yung pagmamahal na binibigay sakin
nung mahal ko ngayun ..
at saka natututunan ko na rin nman sya mahalin e..
d talaga sya mahirap mahalin..
sobrang thoughtful.. saka sobrang bait..
akala mo sa umpisa maangas.. hehe.. d pala..
mayabang daw.. pero d naman..
sabi nila sakin lang daw ndi mayabang..
wla lang..

kaya ngayun..
kung tatanungin pa ko ulit kung mahal ko o mahal ako..
isasagot ko.. pareho!
kc mahal ko nman sya at mahal nya rin ako..
at sigurado akong magiging masaya ako sa kanya..
at kung iniisip mo na panakip butas ko lang sya ..
sobrang mali ka..
kc talagang wala na akong nararamdaman dun sa dati kong mahal..
alam ko parang ang bilis..
pero.. yun talaga eh..
at sana maging masaya kayong lahat para sakin..

lyrics..

hehe.. eto fave naming 2..

Kitchie Nadal - Wag Na Wag Mong Sasabihin

may gusto ka bang sabihin
ba't di mapakali
ni hindi makatingin
sana'y wag mo na itong palipasin
at subukang lutasin
sa mga sinabi mo na...
ibang nararapat sa akin
na tunay kong mamahalin

oh... wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa’ng kalayaan mo

ano man ang inaakala
na ako'y isang bituin
na walang sasamba
hindi ko man ito ipakita
abot langit ang daing
sa mga sinabi mo na...

ibang nararapat sa akin
na tunay kong mamahalin

oh..wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handing
ibigay kahit pa’ng kalayaan mo


at sa gabi, sinong duduyan sa'yo...
at sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa'yo...

oh..wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa'ng kalayaan mo...<3x>

oh...

quote..

sUmTymS wAt SeEmS LiKe SuRrEnDeR iSn'T SuRrEnDeR aT aLL. iT iS aBouT wHaT's gOinG oN iN oUr HeaRtS, aBouT SeEinG cLeaRLy thE wAy LiFe iS & aCcEpTiNg iT, aNd BeInG tRuE tO iT, wHaTevEr tHe Pain bEcaUse thE pAin oF nOt BeiNg tRuE tO iT iS FaR, FaR GrEaTeR...